(credits:photo by Mevian Dizon)
Ang Magalawa Island ay isang Isla na matatagpuan sa part ng Zambales.Ito'y mayroong Fishing Village sa gitna, isang magandang beach sa isang dulo at mangroves sa kabilang dulo ng isla.
Malaking problema ang dynamite fishing dito noon. Pati na rin ang cyanide fishing. Subalit mga dalawang taon na nakalipas ay natigil ang lahat ng ito ng isa isang pinatay ng mga NPA ang mga walanghiyang gumagawa ng karumal dumal na aktong mga ito. Masasabi na "the end justifies the means" ... sangayon ba kayo?
(photos courtesy of R.Sarino: Camp site,Sunset at campsite Magalawa)
Dahil nahinto ang mga illegal na pamamaraang pangingisda ay unti unti na gumanda ulit ang aming mga corals sa dagat. Unti unti na rin bumabalik ang mga isda. Malungkot ang nangyari at maraming nawalan ng magulang noong naganap ang mga patayan pero may naidulot rin na mabuti sa palagay ko.
(photos courtesy of f.atendido: coral gardens in front of campsite magalawa)
Very proud ako sa isla namin. Dito na ako lumaki maski ngayon ay nasa maynila ako nakatira. Nandito pa rin sa islang magalawa ang mga kapatid at magulang ko sa ngayon. Nagsisiuwian ang mga lumuwas dito pag fiesta ng San Roque (August 15,16). Bukod dito ay marami din bumibisita lalo na pag Panahon ng Amihan (Dec to March) at siyempre pag summer!
(photos courtesy of f.atendido:Zambales mango)
Masarap ang mangga dito! Ayon sa research ng U.P. ay Zambales mangoes ang pinaka matamis at masarap sa lahat ng mangga sa buong Pilipinas, at sa makatuwid ay sa buong daigdig. Sa palagay ko ay nasa isla namin ang pinakamatamis na mangga sa buong Zambales.
May isang bagay akong ikinalulungkot at ito ay dahil sa mga illegal squatters dun sa isla namin. Isang araw ang nagpunta ang mag asawang Grace at Boy Armada sa aming isla at bigla nalang naglinis at nagtayo ng maliit na "resort" sa likuran ng isla, malapit sa mangroves. Malakas ang mga backer, mga chinese or taiwanese daw na taga Iba kaya may mga kapit na sa politiko at makakpal ang mga mukha. May mga 18 months na rin silang nanloloko ng mga bakasyonista na taga maynila. Inaakit nila sa FB page nila at sinisingil ng sobrang taas na halaga (mga 1.8k/pax) para sa tirahan at serbisyong below par. Ang balita ko ay natalo na raw sila sa kaso nila sa korte at malapit nang paalisin sa isla. Sana nga ay umalis na ang mga ito sa lalong madaling panahon. Nasisira ang reputation at ganda ng isla namin kasi.
Tawagan niyo po ako sa landline number (02) 983-0432 or sun number 09222688111. Para po ma coordinate po ang stay niyo sa Magalawa Island. Thank you and God bless.Respective fees are as- follows
Complete Packages Option and Rates.
Entrance fee 100\pax overnight,
(includes CR and maintenance fees)
Boatpick up (2 way)
-- 100/pax-kung galing luan
-- 200/pax-kung galing masinloc
Cottage 1200\night (up to 5pax)
Snorkel rental(100?) please inquire
Packages all in.
Grp of 2-5pax - 1600/pax
- Entrance
- Boat transpo 2way
- Fan Kubo Accomodation ( common CR )
- Open Cottage
- Food 4Meals per/pax
Grp of 10-12pax - 2800/pax
- Entrance
- Boat transpo 2way
- Fan Kubo Accomodation ( common CR )
- Open Cottage
- Food 4Meals per/pax
- Van back and forth manila to zambales ( kasama, Gas and Toll Gates )
please visit this GREAT SITE for further info and reviews on Magalawa!!!